Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan. Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”
Basahin Marcos 12
Makinig sa Marcos 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Marcos 12:38-40
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas