Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 1:35-39

Marcos 1:35-39 ASND

Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Jesus at pumunta sa ilang upang manalangin. Hinanap siya nina Simon at ng kanyang mga kasama. Nang matagpuan nila si Jesus, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Pumunta naman tayo sa mga kalapit-bayan, para makapangaral din ako roon, dahil ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundo.” Kaya nilibot ni Jesus ang buong Galilea at nangaral siya sa mga sambahan ng mga Judio at nagpalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinaniban ng mga ito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 1:35-39