Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 7:13-23

Mateo 7:13-23 ASD

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon. Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon. “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman. Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo ang mga bulaang propeta sa kanilang mga gawa. “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi po baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng propesiya, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng maraming himala?’ Ngunit malinaw kong sasabihin sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’

Video para sa Mateo 7:13-23

Bersikulong Larawan para sa Mateo 7:13-23

Mateo 7:13-23 - “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon. Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon.


“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman. Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo ang mga bulaang propeta sa kanilang mga gawa.


“Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi po baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng propesiya, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng maraming himala?’ Ngunit malinaw kong sasabihin sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’