YouVersion Logo
Search Icon

Mateo 23:30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39

Mateo 23:30 ASD

At sinasabi ninyo na kung buhay sana kayo sa panahon ng inyong mga ninuno, hindi ninyo papatayin ang mga propeta tulad ng ginawa nila.

Mateo 23:31 ASD

Kung ganoon, inaamin nga ninyo na lahi kayo ng mga taong pumatay sa mga propeta!

Mateo 23:32 ASD

Sige, tapusin nʼyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno!

Mateo 23:33 ASD

“Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong! Hindi nʼyo matatakasan ang kaparusahan sa impiyerno!

Mateo 23:34 ASD

Kaya makinig kayong mabuti! Magpapadala ako sa inyo ng mga propeta, marurunong na tao na magtuturo sa inyo ng salita ng Diyos. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang ibaʼy ipapako sa krus. Ang ibaʼy hahagupitin ninyo sa inyong sinagoga, at tutugisin ninyo saan man sila magpunta.

Mateo 23:35 ASD

Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng Templo at ng altar.

Mateo 23:36 ASD

Talagang kayong mga nabubuhay sa panahong ito ang mananagot sa lahat ng mga kasalanang ito.

Mateo 23:37 ASD

“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinusugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.

Mateo 23:38 ASD

Kaya ngayon, makinig kayo! Iiwan na ng Diyos ang inyong Templo at lubusang pababayaan na ito.

Mateo 23:39 ASD

Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’”