Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 21:18-21

Mateo 21:18-21 ASND

Kinaumagahan, nang pabalik na sina Jesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Pero wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga pang muli!” At agad na natuyo ang puno. Namangha ang mga tagasunod ni Jesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 21:18-21