Kaya palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inalam niya sa kanila ang eksaktong oras na unang lumitaw ang bituin. Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Bethlehem at nagbilin, “Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang bata. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako agad para makapunta rin ako at makasamba sa kanya.” Pagkatapos marinig ang bilin ng hari, lumakad na sila. At ang bituing nakita nilang lumitaw noon ay nanguna sa kanila hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Nang makita nila ang bituin ay labis ang kanilang kagalakan. Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang bata kasama ang kanyang inang si Maria. Nagpatirapa sila at sumamba sa bata. Binuksan nila ang kanilang mga baul ng kayamanan at inihandog sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira. Nang pauwi na sila, nag-iba sila ng daan dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes.
Basahin Mateo 2
Makinig sa Mateo 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 2:7-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas