Sinabi ng PANGINOON, “Mahal ko kayo. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano mo kami minahal?’ Alalahanin ninyo na kahit magkapatid sina Esau at Jacob, minahal ko si Jacob pero si Esau, hindi. Winasak ko ang kanyang mga kabundukan, kaya naging tirahan na lamang ng mga asong-gubat. “Maaaring sabihin ng mga Edomita na mga lahi ni Esau, ‘Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.’ Ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan ay nagsasabi: Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng PANGINOON.’ Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang PANGINOON kahit sa labas ng Israel.’ ” PANGINOON Sinabi ng PANGINOONG Makapangyarihan sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? Nilalapastangan ninyo ako. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’ Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’ Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar. Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.”
Basahin Malakias 1
Makinig sa Malakias 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Malakias 1:2-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas