Pagkababa ni Hesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasapian ng mga demonyo. Matagal na itong walang suot na damit at ayaw niya tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan. Nang makita niya si Hesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Hesus. At sinabi niya nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” Sinabi niya ito dahil inutusan ni Hesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Maraming beses na siyang sinasaniban, at kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot lang niya ito, at dinadala siya ng demonyo sa ilang. Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Hukbo,” dahil maraming demonyo ang pumasok sa kanya. Nagmakaawa sila kay Hesus na huwag silang papuntahin sa kailalimang walang hanggan. Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila. Kaya lumabas sila sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod. Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari. Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao. Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng mga demonyo. Nakiusap ang lahat ng Geraseno kay Hesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Hesus sa bangka para bumalik sa pinanggalingan niya. Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sinabi niya, “Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus.
Basahin Lucas 8
Makinig sa Lucas 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 8:27-39
29 Araw
Ipinaalam ng mga nakasaksi ang mabuting balita na sinabi ni Lucas tungkol sa kuwento ni Jesus mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan hanggang sa pagkabuhay-muli; Isinalaysay din ni Lucas ang Kanyang mga turo na nagpabago sa mundo. Araw-araw na paglalakbay kay Lucas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas