Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 6:12-19

Lucas 6:12-19 ASD

Nang panahong iyon, pumunta si Hesus sa bundok at magdamag na nanalangin sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol. Ito ay sina Simon (na tinawag niyang Pedro), at Andres na kapatid nito, sina Santiago at Juan, sina Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na makabayan, Judas na anak ng isa pang Santiago, at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus. Pagkatapos nito, bumaba sila mula sa bundok at tumigil sa isang patag na lugar. Naroon ang malaking grupo ng alagad niya at ang napakaraming taong nanggaling sa Judea, Jerusalem, at sa baybayin ng Tiro at Sidon. Pumunta sila roon upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit. Ang lahat ng pinahihirapan ng masasamáng espiritu ay gumaling. Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.