Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 24:44-48

Lucas 24:44-48 ASND

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.” At binuksan ni Jesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan. Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Cristo ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw. At dapat ipangaral sa buong mundo, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan niyaʼy patatawarin ng Dios ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 24:44-48