Lucas 22:14-19
Lucas 22:14-19 ASD
Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa. Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos.” Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos.” Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”




