Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 2:13-16

Lucas 2:13-16 ASD

Walang ano-anoʼy lumitaw mula sa langit ang isang napakalaking hukbo ng mga anghel at sama-sama silang nagpuri sa Diyos. Sinabi nila, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!” Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.” Kaya nagmadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.