Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo at sumigaw kay Jesus, “Panginoong Jesus, maawa po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat. Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Jesus at nagsisigaw ng papuri sa Dios. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.
Basahin Lucas 17
Makinig sa Lucas 17
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 17:11-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas