At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?” Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.” Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwan papunta sa dalampasigan, pero nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin. Kaya tumawag sila sa PANGINOON. Sinabi nila, “O PANGINOON, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Pero alam po namin na ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.” Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking paggalang ang mga tao sa PANGINOON. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya. Samantala, nagpadala ang PANGINOON ng isang malaking isda para lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa tiyan ng isda.
Basahin Jonas 1
Makinig sa Jonas 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Jonas 1:11-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas