YouVersion Logo
Search Icon

Juan 8:1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 9, 10, 11

Juan 8:1 ASND

Si Jesus naman ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.

Juan 8:2 ASND

Kinabukasan, maaga pa ay bumalik na si Jesus sa templo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, kaya umupo siya at nangaral sa kanila.

Juan 8:3 ASND

Dumating ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao

Juan 8:4 ASND

at sinabi nila kay Jesus, “Guro, ang babaeng itoʼy nahuli sa pangangalunya.

Juan 8:5 ASND

Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anong masasabi mo?”

Juan 8:6 ASND

Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa kanya. Pero yumuko lang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri.

Juan 8:7 ASND

Pero paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Jesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”

Juan 8:9 ASND

Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Jesus na lang at ang babae ang naiwan.

Juan 8:10 ASND

Tumayo si Jesus at sinabi sa babae, “Babae, nasaan na sila? May humatol ba sa iyo?”

Juan 8:11 ASND

Sumagot ang babae, “Wala po.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”]