Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 19:23-24

Juan 19:23-24 ASND

Nang maipako na ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-isang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang damit-panloob niya; hinabi ito nang buo at walang tahi o dugtong. Sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking damit, at nagpalabunutan sila para sa aking damit-panloob.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 19:23-24