Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 17:13-24

Juan 17:13-24 ASD

“Ngayon ay babalik na ako sa iyo. Sinasabi ko ang mga bagay na ito habang nandito pa ako sa mundo upang lubos silang magalak tulad ko. Itinuro ko na sa kanila ang salita mo. Napopoot sa kanila ang mga taong makamundo, dahil hindi na sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo. Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama. Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo. Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo. At alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan. “Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila. Idinadalangin ko sa iyo, Ama, na silang lahat ay maging isa gaya natin. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoʼy nasa iyo, nawaʼy sila man ay sumaatin, upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin. Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin. Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin. “Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, upang makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.

Video para sa Juan 17:13-24