Kinabukasan, naroon ulit si Juan kasama ang dalawa sa mga tagasunod niya. Nang makita niya si Jesus na dumaraan, sinabi niya, “Narito na ang Tupa ng Dios!” Nang marinig iyon ng dalawang tagasunod ni Juan, sinundan nila si Jesus. Lumingon si Jesus at nakita silang sumusunod. Kaya tinanong niya sila, “Ano ang kailangan ninyo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo nakatira?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro.”) Sinabi sa kanila ni Jesus, “Halikayo at makikita ninyo.” Kaya sumama ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kwatro na noon ng hapon, kaya doon na sila nagpalipas ng gabi.
Basahin Juan 1
Makinig sa Juan 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Juan 1:35-39
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas