Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 40:3-4

Jeremias 40:3-4 ASND

At nangyari ito ngayon. Talagang ginawa ng PANGINOON ang sinabi niya. Nangyari ito dahil gumawa ng kasalanan sa PANGINOON ang mga kababayan mo at hindi sila sumunod sa kanya. Aalisin ko na ngayon ang kadena mo at palalayain na kita. Kung gusto mo, sumama ka sa akin sa Babilonia at aalagaan kita roon. Pero kung ayaw mo, nasa sa iyo iyon. Tingnan mo ang buong lupain; malaya kang pumunta kahit saan.