Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 1:5-9

Santiago 1:5-9 ASD

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin. Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon, dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya. Dapat ikagalak ng mga kapatid nating mahihirap ang pagpaparangal ng Diyos sa kanila.