Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 53:2-6

Isaias 53:2-6 ASD

Ang kanyang lingkod ay lumago sa harapan niya na katulad ng isang tanim na sumisibol mula sa tuyong lupa. Wala siyang kagandahan o kadakilaan para maakit tayo sa kanya. Walang anuman sa kanyang hitsura para magustuhan natin siya. Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at isinawalang-bahala. Ang totoo, pinasan niya ang mga sakit natin, at tiniis ang mga pighating dapat sanaʼy ating dadanasin. Inakala nating siyaʼy pinarusahan ng Diyos, sinaktan at pinahirapan. Subalit, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; dinurog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ay nagdulot sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, tayoʼy may kagalingan. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay gumawa ng nais nating gawin. Ngunit siya ang pinarusahan ng PANGINOON ng parusang dapat sana ay para sa ating lahat.