Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 52:7-15

Isaias 52:7-15 ASD

Napakagandang pagmasdan sa kabundukan ang mga sugong dala-dala ang magandang balita; balita na naghahayag ng kapayapaan, at nagsasaad ng kabutihan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Sasabihin nila sa Zion, “Naghahari na ang iyong Diyos!” Sumisigaw sa tuwa ang mga tagapagbantay ng lungsod; sabay-sabay silang umaawit sa galak, dahil makikita mismo ng kanilang mga mata ang pagbabalik ng PANGINOON sa Zion. Sama-sama kayong umawit nang may kagalakan, mga guho ng Jerusalem, sapagkat inaliw ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayan. Iniligtas niya ang Jerusalem! Ipapakita ng PANGINOON ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos. Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng bahay ng PANGINOON, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal. Ngunit ngayon, hindi nʼyo na kailangang magmadali sa pag-alis, na para bang tumatakas. Sapagkat ang PANGINOON ang mangunguna sa inyo. Ang Diyos ng Israel ang magtatanggol sa inyo. PANGINOON Sinabi ng PANGINOON, “Ang aking lingkod ay magtatagumpay. Magiging tanyag siya at pararangalan. Marami ang nasindak sa kanya, dahil sirang-sira ang kanyang mukha na parang hindi na mukha ng tao; ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo. Pati ang mga bansa ay mamamangha sa kanya. Ang mga hari ay hindi makakaimik dahil sa kanya, sapagkat makikita nila ang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanila. At mauunawaan nila ang mga bagay na hindi pa nila naririnig.”