Pinangalanan ni Adan ang asawa niya na “Eva” dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao. Pagkatapos, gumawa ang PANGINOONG Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito. Sinabi ng PANGINOONG Dios, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buhay magpakailanman.” Kaya pinaalis siya ng PANGINOONG Dios sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan niya. Nang mapaalis na ng PANGINOONG Dios ang tao, naglagay siya ng mga kerubin sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot para walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.
Basahin Genesis 3
Makinig sa Genesis 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 3:20-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas