Mapapansin ninyong malalaking letra na ang nakasulat dito. Ako na ang sumusulat nito. Gusto lamang ng mga namimilit sa inyong magpatuli na magbigay-lugod sa kapwa nila Hudyo. Sapagkat natatakot silang usigin ng mga ito kung ituturo nila na ang kamatayan lamang ni Kristo ang siyang makapagliligtas sa tao. Sila mismong mga tinuli ay hindi naman sumusunod sa Kautusan. Ipinagpipilitan lang nila na magpatuli kayo upang maipagmalaki nila na sumusunod kayo sa seremonyang ito. Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo. Hindi na mahalaga kung tuli tayo o hindi. Ang tanging mahalaga ay kung binago na tayo ng Diyos. Sa lahat ng pinili ng Diyos at namumuhay ayon sa mga turo kong ito, sumainyo nawa ang kapayapaan at awa ng Diyos. Mula ngayon, huwag nʼyo na akong guluhin. Ang tanda ng mga sugat sa katawan ko ay nagpapatunay na sinusunod ko si Hesus. Mga kapatid, pagpalain nawa kayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen.
Basahin Mga Taga-Galacia 6
Makinig sa Mga Taga-Galacia 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 6:11-18
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas