at mula sa lahat ng mga kapatid na kasama ko rito, Sa mga iglesya diyan sa Galacia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Inialay ni Kristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. Ginawa niya ito upang iligtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo. Purihin natin ang Diyos magpakailanman! Amen. Nagtaka ako dahil napakadali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo. Bumaling kayo sa ibang katuruan na ayon sa ibaʼy magandang balita. Ang totoo, walang ibang Magandang balita. Nasabi ko ito dahil may mga taong nanggugulo sa inyo, at gusto nilang baluktutin ang Magandang Balita tungkol kay Kristo. Sumpain nawa ng Diyos ang sinuman – kami man ito o kahit isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Diyos! Sa tingin ba ninyoʼy papuri ng tao ang hinahanap ko? Hindi! Ang nais ko lang ay malugod sa akin ang Diyos. Kung papuri lang ng tao ang hinahanap ko, hindi ako tunay na lingkod ni Kristo.
Basahin Mga Taga-Galacia 1
Makinig sa Mga Taga-Galacia 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 1:2-10
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas