ay magsasabi, ‘Ang lupaing walang pakinabang noon, ngayon ay parang hardin na ng Eden. Ang mga lungsod na giba at mapanglaw noon, ngayon ay tinitirhan at napapaderan na.’ At malalaman ng mga bansang nakatira sa palibot ninyo na ako ang PANGINOONG nagtayo ng mga nawasak at nagtanim sa mga ilang na lupain. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ito.” Patuloy pang sinabi ng Panginoong DIOS, “Pakikinggan kong muli ang mga kahilingan ng mga mamamayan ng Israel, at ito pa ang gagawin ko sa kanila. Pararamihin ko sila na kasindami ng mga tupa na inihahandog sa Jerusalem sa panahon ng pista. Kaya ang mga nawasak na lungsod ay titirhan na ng maraming tao. At malalaman nila na ako ang PANGINOON.”
Basahin Ezekiel 36
Makinig sa Ezekiel 36
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ezekiel 36:35-38
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas