Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ezekiel 10:3-5

Ezekiel 10:3-5 ASND

Ang mga kerubin ay nakatayo sa timog ng templo nang pumunta ang tao at may ulap na lumukob doon sa bakuran sa loob ng templo. Pagkatapos, umalis ang makapangyarihang presensya ng PANGINOON sa gitna ng mga kerubin at lumipat sa pintuan ng templo. Nilukuban ng ulap ang templo at lumiwanag ang bakuran dahil sa makapangyarihang presensya ng PANGINOON. Ang pagaspas ng pakpak ng mga kerubin ay naririnig hanggang sa bakuran sa labas tulad ng tinig ng makapangyarihang Dios.