Sumagot ang PANGINOON kay Moises, “Gagawin ko ang ipinapakiusap mo, dahil nalulugod ako sa iyo at kilalang-kilala kita.” Sinabi ni Moises, “Ipakita po ninyo sa akin ngayon ang makapangyarihang presensya ninyo.” Sumagot ang PANGINOON, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang PANGINOON. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan. Pero hindi ko ipapakita sa iyo ang aking mukha dahil walang taong nakakita sa mukha ko nang nabuhay.” Sinabi ng PANGINOON, “Tumayo ka rito sa bato malapit sa akin. At habang dumadaan ang makapangyarihan presensya ko, ipapasok kita sa siwang ng bato at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa makadaan ako. Pagkatapos, tatanggalin ko ang kamay ko at makikita mo ang likod ko, pero hindi ang aking mukha.”
Basahin Exodus 33
Makinig sa Exodus 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 33:17-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas