Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 20:2-11

Exodus 20:2-11 ASND

“Ako ang PANGINOON na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin. “Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin. “Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang PANGINOON na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. Pero ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyon na nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko. “Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang PANGINOON na inyong Dios, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan. “Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin. Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, pero ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay italaga ninyo para sa akin, ang PANGINOON na inyong Dios. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon, pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga hayop, o ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit, ang lupa, ang dagat at ang lahat ng naririto, pero nagpahinga ako sa ikapitong araw. Kaya pinagpala ko ang Araw ng Pamamahinga at ginawa itong natatanging araw para sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Exodus 20:2-11