Mula sa Elim, nagpatuloy sa paglalakbay ang mamamayan ng Israel hanggang sa makarating sila sa ilang ng Zin, na nasa gitna ng Elim at ng Sinai. Nakarating sila roon sa ika-15 araw ng ikalawang buwan mula nang lumabas sila sa Egipto. Doon sa ilang, nagreklamo ang lahat ng mga Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang pinatay na lang kami ng PANGINOON sa Egipto! Doon, kahit paanoʼy nakakakain kami ng karne at ng lahat ng pagkain na gusto namin. Pero dinala nʼyo kami rito sa ilang para patayin kaming lahat sa gutom.”
Basahin Exodus 16
Makinig sa Exodus 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 16:1-3
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas