Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 1:7-11

Mga Taga-Efeso 1:7-11 ASD

Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa upang maunawaan ang kanyang lihim na plano na nais niyang matupad sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng itinakdang panahon. At ang plano niyaʼy pag-isahin ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, at ipasailalim sa kapangyarihan ni Kristo. Ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa plano niya at kalooban. At ayon nga sa plano niya noon pang una, pinili niya kami upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo.