“Ingatan ninyong huwag makalimutan ang PANGINOON na inyong Dios at huwag ninyong susuwayin ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito. Kapag nakakain na kayo at nangabusog, at kapag nakapagpatayo na kayo ng maaayos na matitirhan, at dumami na ang inyong mga hayop, pilak, ginto at mga ari-arian, siguraduhin ninyong hindi kayo magyayabang at lilimot sa PANGINOON na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin. Ginabayan niya kayo sa malawak at nakakatakot na disyerto na may mga makamandag na ahas at mga alakdan. Walang tubig sa lugar na iyon pero binibigyan niya kayo ng tubig mula sa bato. Doon sa disyerto, binibigyan niya kayo ng ‘manna’ – isang pagkain na hindi natitikman ng inyong mga ninuno. Ginawa ito ng PANGINOON para magpakumbaba kayo at para subukin kayo upang sa bandang huliʼy maging mabuti ang inyong kalagayan. Baka sabihin ninyo sa inyong mga sarili, ‘Sa pamamagitan ng sarili kong kakayahan at lakas, naging akin ang lahat ng kayamanang ito.’ Pero alalahanin ninyo na ang PANGINOON na inyong Dios ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduan niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon. “Ngunit binabalaan ko kayo ngayon, na kung kakalimutan ninyo ang PANGINOON na inyong Dios at susunod kayo sa ibang mga dios, at sasamba kayo at maglilingkod sa kanila, siguradong malilipol kayo. Kagaya ng pagwasak ng PANGINOON sa mga bansa sa inyong harapan, lilipulin din niya kayo kung hindi kayo susunod sa PANGINOON na inyong Dios.
Basahin Deuteronomio 8
Makinig sa Deuteronomio 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 8:11-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas