“Kung lubos ninyong susundin ang PANGINOON na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo. Kung susundin ninyo ang PANGINOON na inyong Dios, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito: “Pagpapalain niya ang mga lungsod at mga bukid ninyo. Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop. Pagpapalain niya kayo ng masaganang ani at pagkain. Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo.
Basahin Deuteronomio 28
Makinig sa Deuteronomio 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 28:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas