May isang anghel ng Panginoon na nagsabi kay Felipe, “Pumunta ka sa timog, at sundan mo ang ilang na daan mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Kaya umalis agad si Felipe. Doon sa daan, nakasalubong niya ang isang eunuko na taga-Etiopia. Ito ang ingat-yaman ng Candace, ang reyna ng Etiopia. Nagpunta ito sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Pauwi na ito noon at nakaupo sa kanyang karwahe habang binabasa ang aklat ni Propeta Isaias. Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka sa karwaheng ʼyon at sabayan mo.” Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sumagot ang eunuko, “Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
Basahin Mga Gawa 8
Makinig sa Mga Gawa 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 8:26-31
7 Araw
Sa pagsisimula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang Kanyang sarili at ipinapakita ang lalim ng Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng mga himala.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas