Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 2:1-8

Mga Gawa 2:1-8 ASD

Pagdating ng araw ng pista ng Pentecostes, nagtipon ang lahat ng mananampalataya sa isang bahay. Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At napuno nito ang buong bahay na kanilang kinaroroonan. Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wika ayon sa kakayahang ibinigay sa kanila ng Espiritu. Nang panahon ding iyon, doon sa Jerusalem ay may mga relihiyosong Hudyo na nanggaling sa ibaʼt ibang bansa sa buong mundo. Pagkarinig nila sa ugong na iyon, nagmadali silang pumunta sa pinagtitipunan ng mga mananampalataya. Namangha sila dahil narinig nila ang kani-kanilang wika na sinasalita ng mga mananampalataya. Sinabi nila, “Aba, hindi baʼt mga taga-Galilea silang lahat? Bakit sila nakakapagsalita ng sarili nating wika?