Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 5:14-18

2 Mga Taga-Corinto 5:14-18 ASD

Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Kristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat. Namatay siya para sa lahat, upang ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila. Kaya ngayon, hindi na namin tinitingnan ang mga tao ayon sa batayan ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Noong una, ganoon ang pagtingin namin kay Kristo, ngunit hindi na ngayon. Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng itoʼy gawa ng Diyos na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Kristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Mga Taga-Corinto 5:14-18