Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila upang maihandog sa PANGINOON. Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manase, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Hezekia para sa kanila. Sinabi niya, “O PANGINOON, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Dios ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa templo.” Pinakinggan ng PANGINOON si Hezekia at pinatawad niya ang mga tao.
Basahin 2 Cronica 30
Makinig sa 2 Cronica 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Cronica 30:17-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas