Pinuspos ng Espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded. Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, “Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang PANGINOON sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Ngunit kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo. Sa mahabang panahon, namuhay ang mga Israelita na walang tunay na Diyos, walang paring nagtuturo sa kanila, at walang kautusan. Ngunit sa kanilang paghihirap, dumulog sila sa PANGINOON, ang Diyos ng Israel, at tinulungan niya sila. Nang panahong iyon, mapanganib ang maglakbay dahil nagkakagulo ang mga tao. Naglalaban-laban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Diyos sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan. Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan.”
Basahin 2 Mga Cronica 15
Makinig sa 2 Mga Cronica 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Cronica 15:1-7
1 Week
Learn what the Bible says about boldness and confidence. The "Courage" Reading Plan encourages believers with reminders of who they are in Christ and in God's kingdom. When we belong to God, we're free to approach Him directly. Read again – or maybe for the first time – assurances that your place in God's family is secure.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas