Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Timoteo 3:1-8

1 Timoteo 3:1-8 ASD

Mapagkakatiwalaan ang salitang ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa ng iglesya ay naghahangad ng marangal na gawain. Ang isang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan, tapat sa kanyang asawa, hindi madaling magalit, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa mga tao, at may kakayahang magturo. Hindi siya dapat lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi mukhang pera. Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya. Sapagkat kung hindi siya marunong mamahala sa sariling pamilya, paano siya makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos? Dapat ay hindi siya bagong mananampalataya, at baka maging mayabang siya at mahatulan katulad ng diyablo. Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo. Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya: Kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi gahaman sa pera.