Bilang pagtatapos, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo. Ang dapat ninyong gawin ay manalangin na pagpalain sila ng Diyos, dahil pinili kayo ng Diyos na gawin ito, at upang pagpalain din niya kayo. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at iwasang magsabi ng kasinungalingan. Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti. Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan. Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang kanilang mga panalangin, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.” Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti? Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya “huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan.” Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan ng buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo. At maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensiya, upang mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga alagad ni Kristo. Mas mabuti pang magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti, kung ito talaga ang kalooban ng Diyos, kaysa sa magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang ginawang masama. At minsan lamang siyang namatay upang mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa ating mga makasalanan, upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay ang kanyang katawan ngunit binuhay siya ayon sa Espiritu. At sa kalagayan niyang espirituwal, nangaral siya kahit sa mga espiritu ng mga taong nakabilanggo, na hindi sumunod sa Diyos noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ng Diyos ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig. Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya. Si Hesu-Kristo ay nasa langit na ngayon, sa kanan ng Diyos, at ipinasakop sa kanya ang lahat ng anghel at ang lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.
Basahin 1 Pedro 3
Makinig sa 1 Pedro 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Pedro 3:8-22
5 Araw
Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa `Espiritu Santo`? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. Nangangahulugan ito ng pag-unawa at pagsasabuhay ng personal na tawag ng Diyos sa iyo.
7 Araw
Yung mga kwento mo about your relationship with Jesus and the way you live like Jesus can bring freedom, healing and hope to others. Pwede kang maging confident to tell great stories and live a great life dahil nasa'yo ang Holy Spirit! Let's look together at how you can live and share the best story of all time!
15 Araw
Kung nagdurusa ka para kay Jesus, ang unang liham na ito mula kay Pedro ay hinihikayat ka na sumusunod ka sa mga yapak ni Jesus, na unang nagdusa para sa atin. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Pedro habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
24 Days
There’s no way you can be all God wants you to be and fulfill the purposes that you were put on this planet to fulfill without any help. We need each other, and we belong to each other in the Body of Christ! In this series, Pastor Rick explains how to do life in relationship to other people.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas