Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Corinto 11:27-32

1 Corinto 11:27-32 ASND

Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom ng inumin ng Panginoon nang hindi karapat-dapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom ng inumin. Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili. At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay. Ngunit kung susuriin natin ang ating sarili –  kung tama o mali ba ang ating mga ginagawa, hindi tayo parurusahan ng Dios. Kung tayo man ay pinarurusahan ng Dios, dinidisiplina niya tayo upang hindi tayo maparusahang kasama ng mga tao sa mundo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Corinto 11:27-32