1
Marcos 4:39-40
Magandang Balita Bible (Revised)
Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”
Paghambingin
I-explore Marcos 4:39-40
2
Marcos 4:41
Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa inuutos niya!”
I-explore Marcos 4:41
3
Marcos 4:38
Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
I-explore Marcos 4:38
4
Marcos 4:24
Idinugtong pa niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at higit pa roon.
I-explore Marcos 4:24
5
Marcos 4:26-27
Sinabi pa ni Jesus, “Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghasik kung paano.
I-explore Marcos 4:26-27
6
Marcos 4:23
Makinig ang may pandinig!”
I-explore Marcos 4:23
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas