1
Mga Taga-Roma 3:23-24
Magandang Balita Biblia
sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Roma 3:23-24
2
Mga Taga-Roma 3:22
Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao
I-explore Mga Taga-Roma 3:22
3
Mga Taga-Roma 3:25-26
Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.
I-explore Mga Taga-Roma 3:25-26
4
Mga Taga-Roma 3:20
Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng Kautusan ay ang ipaalam sa tao na siya'y nagkasala.
I-explore Mga Taga-Roma 3:20
5
Mga Taga-Roma 3:10-12
Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
I-explore Mga Taga-Roma 3:10-12
6
Mga Taga-Roma 3:28
Kung gayon, maliwanag na sa pamamagitan ng pananampalataya itinuturing na matuwid ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan.
I-explore Mga Taga-Roma 3:28
7
Mga Taga-Roma 3:4
Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Kapag ikaw ay nagsalita, mapapatunayan kang matuwid at kung ikaw ay hahatulan, ikaw ay mananaig.”
I-explore Mga Taga-Roma 3:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas