1
Mateo 18:20
Magandang Balita Biblia
Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
Paghambingin
I-explore Mateo 18:20
2
Mateo 18:19
“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.
I-explore Mateo 18:19
3
Mateo 18:2-3
Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
I-explore Mateo 18:2-3
4
Mateo 18:4
Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
I-explore Mateo 18:4
5
Mateo 18:5
Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”
I-explore Mateo 18:5
6
Mateo 18:18
“Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa ay ipahihintulot sa langit.
I-explore Mateo 18:18
7
Mateo 18:35
Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”
I-explore Mateo 18:35
8
Mateo 18:6
“Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin.
I-explore Mateo 18:6
9
Mateo 18:12
“Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam na nasa bundok upang hanapin ang naligaw?
I-explore Mateo 18:12
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas