1
1 Mga Taga-Corinto 9:25-26
Magandang Balita Biblia
Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin.
Paghambingin
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 9:25-26
2
1 Mga Taga-Corinto 9:27
Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 9:27
3
1 Mga Taga-Corinto 9:24
Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 9:24
4
1 Mga Taga-Corinto 9:22
Sa piling ng mahihina, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 9:22
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas