1
1 Mga Taga-Corinto 13:4-5
Magandang Balita Biblia
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.
Paghambingin
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:4-5
2
1 Mga Taga-Corinto 13:7
Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:7
3
1 Mga Taga-Corinto 13:6
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:6
4
1 Mga Taga-Corinto 13:13
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:13
5
1 Mga Taga-Corinto 13:8
Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:8
6
1 Mga Taga-Corinto 13:1
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:1
7
1 Mga Taga-Corinto 13:2
Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:2
8
1 Mga Taga-Corinto 13:3
At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:3
9
1 Mga Taga-Corinto 13:11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.
I-explore 1 Mga Taga-Corinto 13:11
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas