1
MGA AWIT 42:11
Ang Biblia, 2001
Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya'y muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko.
Paghambingin
I-explore MGA AWIT 42:11
2
MGA AWIT 42:1-2
Kung paanong ang usa ay nananabik sa batis na umaagos, gayon nananabik ang aking kaluluwa sa iyo, O Diyos. Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos, sa buháy na Diyos, kailan ako makakarating at makikita ang mukha ng Diyos?
I-explore MGA AWIT 42:1-2
3
MGA AWIT 42:5
Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? Bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya'y muling pupurihin ko, dahil sa kaligtasan mula sa kanyang harapan.
I-explore MGA AWIT 42:5
4
MGA AWIT 42:3
Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, habang ang mga tao sa akin ay nagsasabi, “Nasaan ang iyong Diyos?”
I-explore MGA AWIT 42:3
5
MGA AWIT 42:6
O Diyos ko, ang aking kaluluwa ay nanlulumo sa loob ko; kaya't aking naaalala ka mula sa lupain ng Jordan at ng Hermon, mula sa Bundok ng Mizhar.
I-explore MGA AWIT 42:6
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas