Matiyaga akong naghintay sa PANGINOON;
kumiling siya sa akin at pinakinggan ang aking daing.
Iniahon niya ako sa hukay ng pagkawasak,
mula sa putikang lusak,
at itinuntong niya ang mga paa ko sa isang malaking bato,
at pinatatag ang aking mga hakbang.