1
MGA KAWIKAAN 22:6
Ang Biblia, 2001
Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.
Paghambingin
I-explore MGA KAWIKAAN 22:6
2
MGA KAWIKAAN 22:4
Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot sa PANGINOON ay kayamanan, karangalan, at buhay.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:4
3
MGA KAWIKAAN 22:1
Ang mabuting pangalan ay dapat piliin, kaysa malaking kayamanan, at mabuti kaysa pilak at ginto ang magandang kalooban.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:1
4
MGA KAWIKAAN 22:24
Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin, at huwag kang sasama sa taong bugnutin
I-explore MGA KAWIKAAN 22:24
5
MGA KAWIKAAN 22:9
Ang may mga matang mapagbigay ay pinagpapala, sapagkat nagbibigay siya ng kanyang tinapay sa mga dukha.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:9
6
MGA KAWIKAAN 22:3
Ang matalinong tao ay nakakakita ng panganib at nagkukubli siya, ngunit nagpapatuloy ang walang muwang at siya'y nagdurusa.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:3
7
MGA KAWIKAAN 22:7
Ang namumuno sa dukha ay ang mayaman, at ang nanghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:7
8
MGA KAWIKAAN 22:2
Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapwa; ang PANGINOON ang sa kanilang lahat ay gumawa.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:2
9
MGA KAWIKAAN 22:22-23
Huwag mong nakawan ang dukha, sapagkat siya'y dukha, ni gipitin man ang nagdadalamhati sa pintuang-bayan; sapagkat ipinaglalaban ng PANGINOON ang panig nila, at sinasamsaman ng buhay ang sumasamsam sa kanila.
I-explore MGA KAWIKAAN 22:22-23
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas