1
MARCOS 6:31
Ang Biblia, 2001
At sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo ng bukod sa isang dakong ilang at magpahinga kayo nang sandali.” Sapagkat marami ang nagpaparoo't parito at sila'y hindi man lamang nagkaroon ng panahong kumain.
Paghambingin
I-explore MARCOS 6:31
2
MARCOS 6:4
Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan, maliban sa kanyang sariling bayan, sa kanyang sariling mga kamag-anak, at sa kanyang sariling bahay.”
I-explore MARCOS 6:4
3
MARCOS 6:34
Pagbaba niya sa pampang nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila, sapagkat sila'y tulad sa mga tupa na walang pastol. At sila'y sinimulan niyang turuan ng maraming bagay.
I-explore MARCOS 6:34
4
MARCOS 6:5-6
Hindi siya nakagawa roon ng anumang makapangyarihang gawa, maliban sa ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa ilang mga maysakit at pinagaling sila. Nanggilalas siya sa kanilang hindi pagsampalataya. Siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligid.
I-explore MARCOS 6:5-6
5
MARCOS 6:41-43
Kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala at pinagputul-putol ang mga tinapay at ibinigay niya sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. At ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. Kumain silang lahat at nabusog. Kanilang pinulot ang labindalawang kaing na punô ng pira-pirasong tinapay at mga isda.
I-explore MARCOS 6:41-43
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas